alasyete ng umaga lumabas ako sa opisina,

magwiwithdraw sana pero unavailable yung ATM machine sa lobby. Patay!

naghanap muna kung saan pwede magwithdraw tapos tumuloy sa SSS kasama ang 2 kaopisina. magaapply kami ng ID.

pagod at inaantok na pero sige pa rin, pumila, nagantay…at nagantay pa ulit..

turn ko na sa wakas!

excited, nakangiti pumunta sa nagveverify.. nagtanong sha

SSS lady: “bago ka lang ba sa kompanya mo?” 

ako: “umm..six months na po, nagsimula ako nung July.”

SS lady: “Sorry d ka pa qualified for an ID kasi o ‘No contributions made’ ka pa.” (habang pinapakita sakin ang monitor ng PC).

ako: “what????!!!! bakit?” 

SSS lady: “i-verify mo muna yan sa company mo.”

badtrip! anak ng pating.. sayang yung pagaantay ko..

bumalik ako sa upuan at sinabi ko yun sa kasama ko..nagstay sandali dun at nagdecide bumalik sa opisina para magtanong.

ayon, chineck ng mga taga opisina sa website ng SSS yung contributions ko, at lumabas na meron naman akong contributions simula august!

hai…gobyerno talaga! tsk..

so, bumalik ako sa SSS at kinausap ko ulit yun SSS lady na nakausap ko, chineck nya ulit at ayun! lumabas na ang totoo…meron nga akong contributions! 

ako: “hai..sana kanina pa ako natapos.”

SSS lady: “Sige bigay ko na dun (kung saan magpapalitrato), upo ka muna.”

ako: “OK po, salamat.”

after nung nasa loob, ako na yung sumunod na tinawag.

pinauna nya na pala ang papel ko.

nakakahiya sa mga nakapila pero OK na rin, para makauwi na agad ako.

ipapadala na lang daw sa bahay yung ID after 2 months….